February 08

Who is Maria

Hi I am Maria Hodges. I am 28 years old and a age group triathlete with hopes of turning professional in the very near future. I am a native of the Philippines born and raised in San Pedro, Bohol, Philippines and I began doing triathlons in 2011 after my husband Robert challenged me to try one. Having not grown up as an athlete I did not know how to swim, had never ridden a “clip on” bike and did not run unless I had to…:)- My life was very humble and I left my family at age 12 and moved to Cebu to work to help support them and continued on that path until I met my husband in 2005. I moved to the USA in February of 2006 and married in March of 2006. IMG_2112

Wendy Baker was my first coach besides my husband and she patiently and quickly taught me how to swim. After about 4 lessons with her things began to take shape in the pool. As for the bike training it was mostly done on the spin bikes at the gym and on my entry level road bike that I crashed the first time I clipped in, and ran on the treadmills. Six weeks later I entered my first super sprint triathlon. A 225 yard swim, 5 mile bike and 1 mile run later I had won my very first triathlon! On the drive home I told my husband that I thought I wanted to do this. When he pressed me as to what that meant I told him that I had a blast and wanted to do MORE! He said he would be my coach and that is how we entered this wonderful world of triathlon. IMG_2095

It is amazing that it is already 2015 and I am entering my 4th full year of competition. It has been an amazing journey so far meeting the most wonderful people from all over the world and competing in the most beautiful places I could have ever imagined. California, Idaho, Utah, Nevada, Philippines, Hawaii are places that I am traveling to so far in this wonderful sport and have had the honor of great partnerships with the best sponsors anyone could ever hope for. Most of these partners took a chance on me before I had even began to be competitive and for that I have much thanks. Vitargo, iRT Wheels, Profile Design, Quintana Roo, Xterra Wetsuits, Rocklin Endurance Sports and RockTape. Meeting Sean and Tiana Rockwell and other members of Gold Country Tri Club, FilAm Tri Club, Arland Macasieb Troy and Robin Soares and the FCA athletes, John Landino with Death Row Velo and countless others who have all supported me along the way and I am so grateful for all the equipment and encouragement.

After three full years of racing I have settled into the 70.3 distance as that appears to be the right distance for my body. After finishing with a number 4 world ranking in my age group for Ironman 70.3 distance I have set my sights on attaining the number one world ranking in 2015. With 10 70.3 distance races on the calendar for 2015 it looks to be a very challenging year. Beginning with Challenge 70.3 in Subic Bay, Philippines on February 7th and Century Tuna Ironman 70.3 on March 8th also in Subic Bay I will test the waters in the Elite category as I try to move into the Pro category soon. Also on the 2015 schedule is Ironman Oceanside 70.3, Ironman St George 70.3, Ironman Hawaii 70.3, Ironman Vineman 70.3, Ironman Cobra 70.3 Philippines, Ironman Tahoe 70.3 and Ironman Silverman 70.3. I also hope to compete at Ironam World Championships in Austria. 10959894_1564840613756837_4990839367408776596_n - Copy

Mabuhay! Ako si Maria Hodges, 28 na taong gulang at isang atleta ng triathlon.  Hinangad  ko na maging propesyonal sa palarong ito balang araw.  Nagsimula akong sumali sa triathlon dahil sa panghihikayat ng aking asawa na si Robert.  Sabi niya ay nakitaan nya ako ng kahusayan sa kompetisyon at naisip ko na ipakita ito.  Noong Marso, 2011, sinabi ng aking kabiyak na sumali ako sa triathlon at ang dagli kong naisambit ay kung ano ito, sapagkat wala talaga akong ideya hinggil dito.  Ipinaliwanag niya sa akin na ang palarong ito ay pabilisan ng paglangoy, pagpapatakbo ng bisikleta at pagtakbo mismo gamit ang sariling mga paa.  Nang sinagot ko siya na hindi ako marunong lumangoy ay natawa siya dahil lumaki ako sa isang bansa na napapaligiran ng dagat.  Idinahilan ko sa kanya na sa Pilipinas ay nagsimula akong magtrabaho ng 6 na araw kada linggo sa edad na 12 para suportahan ang pamilya ko kaya’t wala akong panahon para matutong lumangoy.

Sa sumunod na araw ay dinala niya ako sa isang lokal na gym at sinubukan kong lumangoy sa pool subalit doon ko lang talaga napatunayan na hindi talaga ako marunong lumagoy, ni hindi man lang lumutang sa tubig ang katawan ko.  Wala rin akong alam sa pagpapatakbo ng bisikleta o sumali ni minsan sa takbuhan kaya’t hindi ko inasam  na sumali sa triathlon.

Kinuha namin si Wendy Baker para turuan akong lumangoy.  Pagkatapos ng 4 na beses na pagsasanay ay tinuruan rin ako sa paggamit ng spin bikes sa gym at road bike, at pagtakbo sa treadmill. Paglipas ng 6 na linggong pagsasanay ay sumali ako sa kauna-unahang pagkakataon sa isang super sprint triathlon.  Dito ay kinakailangang lumagoy ng 225 yards, magpatakbo ng bisikleta  ng 5 milya at tumakbo ng 1 milya.  Sadyang isang masarap na sorpresa na nanalo ako sa kauna-unahang triathlon na sinalihan ko.  Nang papauwi na ako ay sinabi ko sa aking asawa na masyado akong nasisiyahan sa ginawa ko at gusto ko pang sumali uli.  Nagboluntaryo rin siya na maging coach ko at ito ang simula ng pagkahilig kong sumali sa maganda at makabuluhang mundo ng triathlon.  Mas pinaganda pa namin ang bisikleta ko at isang kaibigan ang tumulong para makakuha ako ng isang tri bike.  Isa- isa kong natutunan ang iba’t-ibang disiplina na kinakailangan para maging matagumpay na atleta.

Pagkatapos ng 3 buwan ay sumali ulit ako sa isang karera sa takbuhan.  Ito ay local na palaro para makalikom ng pera sa pagtulong ng mga biktima ng breast cancer.  Hinangad ko lang noon na mapabilang sa top ten sa isang karerang sinalihan ng 400 na manglalaro.  Pinagtawanan ako ng ibang mga tao ng sinabi ko yon at namangha ang lahat dahil nakuha ko ang pang- animna puwesto!  Sumali ulit ako ng isa pang karera sa sumunod na buwan at nanalo ako sa koponan ng mga kaedad ko.  Iyon na ang hudyat ng aking masinsinang pagsasanay kasama ng aking asawa bilang coach ko.

Puspusan akong nagsanay sa mga buwan ng Oktubre, 2011 hanggang Pebrero, 2012 at sumabak na naman ako sa isang palaro.  Nakipagtagisan ako sa mga mag-aaral sa kolehiyo  sa Stanford Triathlon at sa UC Davis sprint kung saan nasungkit ko ang pang-18 at pang 12 puwesto.  Nagsimula akong sumali sa Olympic Distance race sa ika-30 anibersaryo ng Wildflower.  Nakuha ko ang pang-18 na puwesto at napamahal din ako sa Wildflower.  Nagtagumpay din ako sa pagkamit ng unag puwesto sa mga kaedad ko sa Silicon Valley International, California International, at Folsom sprint at ang pangalawang puwesto sa Folsom International, kung kaya’t pumangalawa ako sa lahat ng mga babeng manglalaro sa kampanya ng USA Productions 2012. Nairaos ko ang 2012 season bilang atleta sa lokal na karera para sa mga biktima ng breast cancer at pangalawa ako sa lahat ng Golden State Sprint at nakamit ko ang parangal bilang All American Honorable Mention galling sa USA Triathlon.

Masuwerte ako at may nag sponsor sa akin para sa 2013 season.  Pakitingnan lang ng aking sponsor tab apra sa mga detalye.  Nagpapasalamat ako sa Vitargo, IRT Wheels at Rock tape sa  pagtulong nila na makamit ko ang aking hangarin.

Nagsimula ng maganda ang taong 2013 para sa akin.  Nakuha ko ang pangatlong puwesto sa Kendra’s race sa Santa Barbara, pang-una sa Stanford Triathlon habang iniinda ko ang sakit na bronchitis sa ITU San Diego sa buwan ng Abril.  Hinimok din ako ng aking asawa at coach na lumahok sa Long Course 70.3 Wildflower race bilang kauna-unahang half ironman distance race na sinalihan ko.  Ipinagmamalaki ko na ako ang nanalo sa lahat ng ma kaedad ko!

Pakitingnan lang sa link ang mga resulta ng mga palarong sinalihan sa aking blog at ang schedule ng mga sasalihan ko pa.  Salamat sa inyong mga suporta.

Maria (Flor) Hodges

Santa Barbara Triathlon 038